Isang pagpupugay sa lahat ng magigiting na Ina na nagsisilbing ilaw at tanglaw ng bawat tahanan.
Saludo kami sa inyong walang sawang sakripisyo, wagas na pagmamahal, tapang, at katatagan sa pagharap sa mga hamon ng buhay at paggabay sa inyong pamilya. Kayo ang tunay na sandigan ng ating tahanan at pamayanan. Maraming salamat sa inyong pagmamahal at dedikasyon na nagbibigay inspirasyon sa bawat isa.
Our athletes displayed skills and discipline in the recently concluded 2026 Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet held on April 6-11 in Candon City, Ilocos Sur. As a thank you for their success, LGU Mangatarem presented certificates of recognition and cash prizes to the participants. our athletes medalists with 1,000 pesos for bronze medalists, 2,000 pesos for silver medalists and 3,000 pesos for gold medalists. Including the awarding ceremony of LGU Mangatarem officers and employees.
Ngayong araw, ang Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem ay kaisa sa pagdiriwang ng Labor Day. Patuloy nating kinikilala at binibigyang-pugay ang kasipagan at dedikasyon ng bawat manggagawa sa ating bayan. Bawat patak ng inyong pawis ay simbolo ng inyong determinasyon para sa pagtataguyod ng inyong pamilya at paglilingkod sa bayan.
Sa inyong pagsisikap at bawat tagumpay, kaisa ninyo kami sa pagbuo ng isang mas maunlad na Mangatarem.
Mabuhay ang bawat manggagawang Pilipino! Mabuhay ang mga manggagawa ng ating bayang Mangatarem!
Commencement of the Construction & installation of facilities System 1 , Phase 1 under the CVJA between the Local Government Unit (LGU) of Mangatarem and Nepo Water Inc, for the development of a Level III Water Supply System for the Municipality of Mangatarem, Pangasinan
Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Marso ang National Women’s Month na may temang “Lead like the Babaylans, Filipinas!”
Kaisa ng selebrasyong ito ang bayan ng Mangatarem sa pagpapalakas, pagpapabuti, at pagtataguyod ng karapatan ng ating mga kababaihan.
Ang Pagdiriwang ng National Women’s Month ay hindi lamang pagkilala sa kasaysayan at tagumpay ng mga kababaihan sa ating bansa, kundi isang mahalagang paalala na tuloy-tuloy ang ating laban para sa tunay na pagkakapantay-pantay.
Lubos ang ating pagkilala sa kontribusyon ng ating kababaihan sa ating lipunan at patuloy na itataguyod ang isang lipunang mas makatarungan, inklusibo, at puno ng pagkakataon para sa lahat.
Muli, Happy National Women’s Month at sama-sama nating isabuhay ang makabagong Babaylan—likas na malakas, magaling, at may boses sa lipunan! Laging tandaan na “Babae ka, hindi babae lang”.
Kasama ang pamunuan ng iba’t ibang tanggapan mula sa Provincial Government of Pangasinan, pangunahing isinusulong ang Project Tawiran—isang proyektong naglalayong palakasin ang sektor ng edukasyon, partikular ang pagpapataas ng literacy rate ng ating mga mag-aaral, lalo na ang mga out-of-school youth. Kasalukuyan itong masusing pinagpaplanuhan upang matiyak ang sapat na kahandaan at maayos na implementasyon nito.
Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem sa pagsuporta sa adhikain ng ating pamahalaang panlalawigan na isulong ang kapakanan at kinabukasan ng ating mga kabataan.
Bilang pagkilala sa karangalang iniuwi ng ating mga batang atleta sa ginanap na Schools Division Office I Athletic Association Meet 2026, ay naggawad ng Certificate of Recognition at Cash Incentive ang Lokal na Pamahalaan para sa ating mga medalists.
Ngayong araw, sa ating Flag Raising Ceremony ay ginawaran ng pagkilala ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang ating Sangguniang Bayan ang mga batang atleta ng Mangatarem na nag-uwi ng karangalan sa nasabing palaro na ginanap noong February 4–7, 2026 sa Lingayen, kung saan tayo ay nakapag-uwi ng kabuuang 69 na medalya.
Ang mga medalists ay ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala at Cash Incentives: tig-₱1,000 para sa Gold Medalists at tig-₱500 para sa mga Silver at Bronze Medalists.
Kasama ring tumanggap ng pagkilala ang kanilang mga coaches, principals, school heads at sports coordinators. Binigyan din ng Plaque of Recognition ang pamunuan ng Mangatarem District I and II Schools bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta sa paghuhubog ng talento at kakayahan ng ating mga batang atleta.
Muli, congratulations at mabuhay ang mga atleta ng ating bayang Mangatarem!
Kasama ang 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗠𝗘𝗡𝗥𝗢), sa pangunguna ni 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗝𝗲𝘀𝘀𝗶𝗲 𝗡. 𝗦𝗮𝗰𝗼𝗽𝗹𝗮, personal nating tinanggap ang dalawang parangal na iginawad ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 – 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 (𝗗𝗘𝗡𝗥-𝗘𝗠𝗕) 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝗜 sa 𝗟𝗚𝗨 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁𝗮𝗿𝗲𝗺 ngayong araw sa ginanap na 𝟭𝟬𝘁𝗵 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝟭 𝗘𝗰𝗼𝗹𝗼𝗴𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗹𝗶𝗱 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗶𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa San Carlos City, Pangasinan.
Kabilang sa mga natanggap na parangal ang 𝗦𝗼𝗹𝗶𝗱 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗜𝗻𝗻𝗼𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 (𝗟𝗚𝗨 𝗟𝗲𝘃𝗲𝗹) at ang 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗟𝗚𝗨 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗳𝗼𝗿 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽, bilang pagkilala sa matagumpay na pagpapatupad ng LGU Mangatarem ng mga programang naglalayong pangalagaan ang kapaligiran at higit pang paigtingin ang wastong pamamahala, pagtatapon, at pagreresiklo ng mga basura sa ating bayan.
Isang patunay ng ating suporta at pagsusulong ng mga programa at proyektong naglalayong protektahan ang ating kalikasan.
Patuloy nating isulong ang isang mas malinis at mas luntiang kapaligiran, at sama-sama nating pangalagaan ang ating Inang Kalikasan.
Successful Approval of the 2026 Annual Budget and Annual Investment Program held during Committee Hearing on the Office of the Sangguniang Panlalawigan.
This was made possible through the efforts of our Local Government Unit of Mangatarem together with all our Sangguniang Bayan Members headed by Municipal Vice Mayor, Hon. Ronnie C. Palisoc, Local Finance Team and all the departments who made this possible.
Presenting the 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗲𝗱𝘂𝗹𝗲 𝗼𝗳 𝗘𝘃𝗲𝗻𝘁𝘀 for the much-awaited Town Fiesta, celebrating the 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁𝗮𝗿𝗲𝗺 𝗔𝗻𝗻𝘂𝗮𝗹 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗲 𝟴𝘁𝗵 𝗧𝘂𝗽𝗶𝗴 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹, with the theme: “𝑃𝑎𝑔𝑏𝑢𝑏𝑢𝑘𝑙𝑜𝑑 𝑛𝑔 𝐴𝑛𝑖 𝑎𝑡 𝐾𝑜𝑚𝑒𝑟𝑠𝑦𝑜: 𝑀𝑎𝑛𝑔𝑎𝑡𝑎𝑟𝑒𝑚 𝑇𝑢𝑛𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝐾𝑎𝑢𝑛𝑙𝑎𝑟𝑎𝑛.”
We warmly invite all our kailyans to join us in this grand and joyful celebration filled with culture, tradition, unity, and community pride. Experience the vibrance of Mangatarem as we showcase the beauty and talents of our people, rich heritage, and local tourism.
Come and celebrate with us as we honor our town’s culture, unity, and pride.
Buong pagmamalaki nating ihayag na ang ang Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem ay ginawaran ng 𝗕𝗲𝘆𝗼𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗥𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 sa ginanap na 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗚 𝗦𝗲𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗘𝘅𝗰𝗲𝗹𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗶𝗻 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗥𝗥𝗠) 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟱 ngayong 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟱 sa 𝗕𝗮𝘂𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘅, 𝗕𝗮𝘂𝗮𝗻𝗴, 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻.
Ito ang 𝗶𝗸𝗮-𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝗼𝗻 (𝟮𝟬𝟮𝟭–𝟮𝟬𝟮𝟱) na kinilala ang kahusayan ng Mangatarem sa ilalim ng MDRRMO sa pangunguna ni 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗘𝗱𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗖. 𝗦𝗼𝗾𝘂𝗶𝗹𝗮.
Ang 𝗕𝗲𝘆𝗼𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗥𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 (𝗘𝘅𝗰𝗲𝗹𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲) ang pinakamataas na pagkilala at isang patunay ng matatag na suporta, maaasahang serbisyo, at mataas na antas ng kahandaan ng bayan ng Mangatarem sa pagtugon sa mga sakuna at kalamidad.
Isang malaking tagumpay na bunga ng pagkakaisa, dedikasyon, at sama-samang pagkilos ng buong LGU, MDRRMO, LDRRMC, mga barangay, rescuers, at volunteers.
Muli, isang taos pusong pasasalamat sa Office of Civil Defense Region I para sa parangal na ito.
Sama-sama tayo para sa isang ligtas, handa, at matatag na Mangatarem—ngayon at sa kinabukasan!