Commencement of the Construction & installation of facilities System 1 , Phase 1 under the CVJA between the Local Government Unit (LGU) of Mangatarem and Nepo Water Inc, for the development of a Level III Water Supply System for the Municipality of Mangatarem, Pangasinan
Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Marso ang National Women’s Month na may temang “Lead like the Babaylans, Filipinas!”
Kaisa ng selebrasyong ito ang bayan ng Mangatarem sa pagpapalakas, pagpapabuti, at pagtataguyod ng karapatan ng ating mga kababaihan.
Ang Pagdiriwang ng National Women’s Month ay hindi lamang pagkilala sa kasaysayan at tagumpay ng mga kababaihan sa ating bansa, kundi isang mahalagang paalala na tuloy-tuloy ang ating laban para sa tunay na pagkakapantay-pantay.
Lubos ang ating pagkilala sa kontribusyon ng ating kababaihan sa ating lipunan at patuloy na itataguyod ang isang lipunang mas makatarungan, inklusibo, at puno ng pagkakataon para sa lahat.
Muli, Happy National Women’s Month at sama-sama nating isabuhay ang makabagong Babaylan—likas na malakas, magaling, at may boses sa lipunan! Laging tandaan na “Babae ka, hindi babae lang”.
Kasama ang pamunuan ng iba’t ibang tanggapan mula sa Provincial Government of Pangasinan, pangunahing isinusulong ang Project Tawiran—isang proyektong naglalayong palakasin ang sektor ng edukasyon, partikular ang pagpapataas ng literacy rate ng ating mga mag-aaral, lalo na ang mga out-of-school youth. Kasalukuyan itong masusing pinagpaplanuhan upang matiyak ang sapat na kahandaan at maayos na implementasyon nito.
Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem sa pagsuporta sa adhikain ng ating pamahalaang panlalawigan na isulong ang kapakanan at kinabukasan ng ating mga kabataan.
Bilang pagkilala sa karangalang iniuwi ng ating mga batang atleta sa ginanap na Schools Division Office I Athletic Association Meet 2026, ay naggawad ng Certificate of Recognition at Cash Incentive ang Lokal na Pamahalaan para sa ating mga medalists.
Ngayong araw, sa ating Flag Raising Ceremony ay ginawaran ng pagkilala ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang ating Sangguniang Bayan ang mga batang atleta ng Mangatarem na nag-uwi ng karangalan sa nasabing palaro na ginanap noong February 4–7, 2026 sa Lingayen, kung saan tayo ay nakapag-uwi ng kabuuang 69 na medalya.
Ang mga medalists ay ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala at Cash Incentives: tig-₱1,000 para sa Gold Medalists at tig-₱500 para sa mga Silver at Bronze Medalists.
Kasama ring tumanggap ng pagkilala ang kanilang mga coaches, principals, school heads at sports coordinators. Binigyan din ng Plaque of Recognition ang pamunuan ng Mangatarem District I and II Schools bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta sa paghuhubog ng talento at kakayahan ng ating mga batang atleta.
Muli, congratulations at mabuhay ang mga atleta ng ating bayang Mangatarem!
Kasama ang 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗠𝗘𝗡𝗥𝗢), sa pangunguna ni 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗝𝗲𝘀𝘀𝗶𝗲 𝗡. 𝗦𝗮𝗰𝗼𝗽𝗹𝗮, personal nating tinanggap ang dalawang parangal na iginawad ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 – 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 (𝗗𝗘𝗡𝗥-𝗘𝗠𝗕) 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝗜 sa 𝗟𝗚𝗨 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁𝗮𝗿𝗲𝗺 ngayong araw sa ginanap na 𝟭𝟬𝘁𝗵 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝟭 𝗘𝗰𝗼𝗹𝗼𝗴𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗹𝗶𝗱 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗶𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa San Carlos City, Pangasinan.
Kabilang sa mga natanggap na parangal ang 𝗦𝗼𝗹𝗶𝗱 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗜𝗻𝗻𝗼𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 (𝗟𝗚𝗨 𝗟𝗲𝘃𝗲𝗹) at ang 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗟𝗚𝗨 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗳𝗼𝗿 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽, bilang pagkilala sa matagumpay na pagpapatupad ng LGU Mangatarem ng mga programang naglalayong pangalagaan ang kapaligiran at higit pang paigtingin ang wastong pamamahala, pagtatapon, at pagreresiklo ng mga basura sa ating bayan.
Isang patunay ng ating suporta at pagsusulong ng mga programa at proyektong naglalayong protektahan ang ating kalikasan.
Patuloy nating isulong ang isang mas malinis at mas luntiang kapaligiran, at sama-sama nating pangalagaan ang ating Inang Kalikasan.
Successful Approval of the 2026 Annual Budget and Annual Investment Program held during Committee Hearing on the Office of the Sangguniang Panlalawigan.
This was made possible through the efforts of our Local Government Unit of Mangatarem together with all our Sangguniang Bayan Members headed by Municipal Vice Mayor, Hon. Ronnie C. Palisoc, Local Finance Team and all the departments who made this possible.
Presenting the 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗲𝗱𝘂𝗹𝗲 𝗼𝗳 𝗘𝘃𝗲𝗻𝘁𝘀 for the much-awaited Town Fiesta, celebrating the 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁𝗮𝗿𝗲𝗺 𝗔𝗻𝗻𝘂𝗮𝗹 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗲 𝟴𝘁𝗵 𝗧𝘂𝗽𝗶𝗴 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹, with the theme: “𝑃𝑎𝑔𝑏𝑢𝑏𝑢𝑘𝑙𝑜𝑑 𝑛𝑔 𝐴𝑛𝑖 𝑎𝑡 𝐾𝑜𝑚𝑒𝑟𝑠𝑦𝑜: 𝑀𝑎𝑛𝑔𝑎𝑡𝑎𝑟𝑒𝑚 𝑇𝑢𝑛𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝐾𝑎𝑢𝑛𝑙𝑎𝑟𝑎𝑛.”
We warmly invite all our kailyans to join us in this grand and joyful celebration filled with culture, tradition, unity, and community pride. Experience the vibrance of Mangatarem as we showcase the beauty and talents of our people, rich heritage, and local tourism.
Come and celebrate with us as we honor our town’s culture, unity, and pride.
Buong pagmamalaki nating ihayag na ang ang Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem ay ginawaran ng 𝗕𝗲𝘆𝗼𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗥𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 sa ginanap na 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗚 𝗦𝗲𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗘𝘅𝗰𝗲𝗹𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗶𝗻 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗥𝗥𝗠) 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟱 ngayong 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟱 sa 𝗕𝗮𝘂𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘅, 𝗕𝗮𝘂𝗮𝗻𝗴, 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻.
Ito ang 𝗶𝗸𝗮-𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝗼𝗻 (𝟮𝟬𝟮𝟭–𝟮𝟬𝟮𝟱) na kinilala ang kahusayan ng Mangatarem sa ilalim ng MDRRMO sa pangunguna ni 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗘𝗱𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗖. 𝗦𝗼𝗾𝘂𝗶𝗹𝗮.
Ang 𝗕𝗲𝘆𝗼𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗥𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 (𝗘𝘅𝗰𝗲𝗹𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲) ang pinakamataas na pagkilala at isang patunay ng matatag na suporta, maaasahang serbisyo, at mataas na antas ng kahandaan ng bayan ng Mangatarem sa pagtugon sa mga sakuna at kalamidad.
Isang malaking tagumpay na bunga ng pagkakaisa, dedikasyon, at sama-samang pagkilos ng buong LGU, MDRRMO, LDRRMC, mga barangay, rescuers, at volunteers.
Muli, isang taos pusong pasasalamat sa Office of Civil Defense Region I para sa parangal na ito.
Sama-sama tayo para sa isang ligtas, handa, at matatag na Mangatarem—ngayon at sa kinabukasan!
The 𝗟𝗚𝗨 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁𝗮𝗿𝗲𝗺 warmly invites everyone to the 𝑨𝒏𝒏𝒖𝒂𝒍 𝑪𝒉𝒓𝒊𝒔𝒕𝒎𝒂𝒔 𝑳𝒊𝒈𝒉𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒆𝒓𝒆𝒎𝒐𝒏𝒚 on 𝗗𝗲𝗰𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟱,at 𝟲:𝟬𝟬 𝗣𝗠 at the 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗧𝗼𝘄𝗻 𝗣𝗹𝗮𝘇𝗮. Experience a night filled with dazzling lights, live performances, festive music, spectacular fireworks display, special treats for the kids including various food carts and surprise mascots.
See you there, kailyan! Let us celebrate the joy, warmth, and spirit of the holiday season in Mangatarem with love and hope in our hearts.
Buong pagmamalaki nating ihayag na ang Mangatarem ay kabilang sa 37 na Bayan sa Pangasinan na nakapasa sa 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱-𝗙𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱𝗹𝘆 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁 (𝗖𝗙𝗟𝗚𝗔) na iginawad ng DILG.
Isang patunay ng ating matagumpay na pagsusulong ng karapatan, kakayahan at oportunidad para sa ating mga kabataan.
Sama-sama tayo sa pagsusulong ng kaunlaran ng ating bayan kasabay ng pagtataguyod ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan!
Matagumpay na ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem ang 𝗜𝗸𝗮-𝟯𝟯 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗿𝗲𝗻’𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 na may temang “𝘖𝘚𝘈𝘌𝘊–𝘊𝘚𝘈𝘌𝘔 𝘞𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯: 𝘒𝘢𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘒𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘵𝘢 𝘐𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯” noong Nobyembre 28, 2025, sa Danding Cojuangco Mangatarem Umisem Complex. Ang selebrasyon ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) katuwang ang iba’t ibang tanggapan, Day Care Children, Child Development Workers, at Child Representatives.
Layunin ng pagdiriwang na pagtibayin ang kamalayan at adbokasiya para sa karapatan at kaligtasan ng bawat bata, partikular sa mga isyung may kinalaman sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM).
Sa nasabing okasyon ay atin ring inilahad ang 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗿𝗲𝗻’𝘀 𝗔𝗱𝗱𝗿𝗲𝘀𝘀 (𝗟𝗦𝗖𝗔) 𝟮𝟬𝟮𝟱, na naglalaman ng ulat hinggil sa kasalukuyang kalagayan at mga programang sumusuporta sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan sa bayan.
Iba’t ibang talent at skills-based contests rin ang isinagawa upang maipamalas ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang Day Care Centers ang kanilang kakayahan at natatanging talento, sa tulong at gabay ng kanilang mga guro at magulang.
Muli, congratulations sa lahat ng bumubuo ng programang ito at maraming salamat sa inyong pakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtataguyod ng karapatan at kaligtasan ng bawat bata upang sila ay mamuhay nang may dignidad, pag-asa, at magandang kinabukasan.
Buong karangalan at pasasalamat nating tinanggap ang prestihiyosong 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗕𝗮𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗦𝗲𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲, na iginawad sa 𝗟𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁𝗮𝗿𝗲𝗺 sa ginanap na 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗥𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗜 ngayong araw sa Hotel Ariana, Bauang, La Union.
Ang karangalang ito ay taos-puso nating tinanggap katuwang ang ating 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 sa pangunguna ni 𝗠𝘀. 𝗔𝗹𝗼𝗻𝗮 𝗔𝗹𝗲𝗴𝗿𝗶𝗮 𝗧. 𝗙𝗮𝗯𝗿𝗼𝘀, Nutrition Officer III/MNAO, at 𝗠𝘀. 𝗝𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗕. 𝗝𝗮𝘇𝗺𝗶𝗻, Nutrition Officer I.
Ang Green Banner Seal of Compliance Award ay pagkilala sa natatanging pagsisikap ng ating bayan na labanan ang malnutrisyon at matagumpay na pagpapatupad ng mga programa at proyektong pang-nutrisyon na ayon sa Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN). Kasama na rito ang special award, ang 𝗘𝘀𝘁𝗮𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝟭𝟬𝟬𝟬 𝗗𝗮𝘆𝘀 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗔𝗱𝗼𝗽𝘁𝗲𝗿 & 𝗖𝗼𝗻𝘀𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻𝘁 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝗠𝗮𝗹𝗻𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻.
Isang patunay ng ating dedikasyon upang makamit ang mas malusog, produktibo, at masiglang Mangatarem at pagpapahalaga sa kalusugan bilang kayamanan ng ating bayan.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng ating mga lokal na opisyal, barangay nutrition scholars, health workers, katuwang na ahensya, at buong komunidad.
Mabuhay ang Bayan ng Mangatarem!
Mabuhay ang mga tagapagtaguyod ng kalusugan at nutrisyon!