Buong karangalan at pasasalamat nating tinanggap ang prestihiyosong 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗕𝗮𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗦𝗲𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲, na iginawad sa 𝗟𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁𝗮𝗿𝗲𝗺 sa ginanap na 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗥𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗜 ngayong araw sa Hotel Ariana, Bauang, La Union.
Ang karangalang ito ay taos-puso nating tinanggap katuwang ang ating 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 sa pangunguna ni 𝗠𝘀. 𝗔𝗹𝗼𝗻𝗮 𝗔𝗹𝗲𝗴𝗿𝗶𝗮 𝗧. 𝗙𝗮𝗯𝗿𝗼𝘀, Nutrition Officer III/MNAO, at 𝗠𝘀. 𝗝𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗕. 𝗝𝗮𝘇𝗺𝗶𝗻, Nutrition Officer I.
Ang Green Banner Seal of Compliance Award ay pagkilala sa natatanging pagsisikap ng ating bayan na labanan ang malnutrisyon at matagumpay na pagpapatupad ng mga programa at proyektong pang-nutrisyon na ayon sa Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN). Kasama na rito ang special award, ang 𝗘𝘀𝘁𝗮𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝟭𝟬𝟬𝟬 𝗗𝗮𝘆𝘀 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗔𝗱𝗼𝗽𝘁𝗲𝗿 & 𝗖𝗼𝗻𝘀𝗶𝘀𝘁𝗲𝗻𝘁 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝗠𝗮𝗹𝗻𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻.
Isang patunay ng ating dedikasyon upang makamit ang mas malusog, produktibo, at masiglang Mangatarem at pagpapahalaga sa kalusugan bilang kayamanan ng ating bayan.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng ating mga lokal na opisyal, barangay nutrition scholars, health workers, katuwang na ahensya, at buong komunidad.
Mabuhay ang Bayan ng Mangatarem!
Mabuhay ang mga tagapagtaguyod ng kalusugan at nutrisyon! 












