Sa kauna-unahang pagkakataon ay ating tinanggap ang prestihiyosong 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝘀, 𝗜𝗻𝗰 . 𝗼 𝗣𝗵𝗔𝗟𝗚𝗔 𝗘𝘅𝗰𝗲𝗹𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗶𝗻 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 na ginanap nitong Mayo 19, 2026 sa Dakak Golf and Beach Resort, Dapitan City, Zamboanga Del Norte.
Ito ay bilang pagkilala sa matatag nating pagsusulong sa transparency, integrity at financial accountability at patunay ng isang ng tapat, maayos at maasahang pamamahala. Ito ay sa pangunguna na rin ng ating Municipal Accountant, Mr. Kenaz W. Bautista, CPA.
Ang parangal na ito ay bunga ng ating pagtutulungan kasama ng lahat ng opisyal ng ating bayan, masisipag na kawani ng LGU, at mga mamamayan ng ating bayan. Patuloy tayong maghahatid ng kahusayan at katapatan tungo sa mas maliwanag at mas maunlad na Mangatarem!
Muli maraming salamat sa pamunuan at bumubuo sa PhALGA para sa pagkilalang ito.











