Categories
Events

Mangatarem – muling pinarangalan ng Philippine Statistics Authority Regional Statistical Services Office I (PSA – RSSO I)

During the 4th Annual Media Forum and Media Awards held at The Monarch Hotel, Calasiao, Pangasinan, the Local Civil Registry Office (LCRO) of Mangatarem under our administration and Department Head Rogelia Q. Fernandez received an Award of Recognition and Appreciation from PSA–RSSO I for continuously supporting collaboration, productivity, and efficiency in the delivery of Civil Registration products and services through Innovation and for our Active and Invaluable participation during the conduct of the 2nd National Convention on Civil Registration and Vital Statistics (2NCCRVS).

Buong pusong serbisyo para sa Bayan! 💚

Let’s make Mangatarem a Hometown for Everyone.

Categories
Events

22nd “Gawad KALASAG” Seal Nakamit muli ng Ating Bayan

Isa sa mga pinakamagandang regalo na natanggap natin ngayong araw.

22nd “Gawad KALASAG” Seal Kalamidad at Sakuna Labanan, Sariling Galing ang Kaligtasan aims and promoting adaptive communities thus leading to responsive and resilient communities.

The National Disaster Risk Reduction and Management Council, thru the National Gawad KALASAG Committee, announced the list of awardees for the 22nd Gawad KALASAG Seal for Excellence in DRRM and Humanitarian Assitance for the Local DRRM Councils and Offices category.

This year, there are 135 Beyond Compliant & 436 Fully Compliant Local Government Units Awardees in the Country.Last year, Our Municipality Disaster Risk Reduction Management Council and Municipal Disaster Risk Reduction Management Councils was recognized/received from Region 1 Office of Civil Defense as “FULLY COMPLIANT AWARD” or the LGU has SUCCESSFULLY met and GENERALLY ADHERES to the STANDARDS for the establishment and functionality of Local Disaster Risk Reduction Management Councils and Offices pursuant to Sections 11 and 12 of RA 10121 or the PDRRM Act of 2010 which is equivalent to the GAWAD KALASAG AWARD CY 2021.

This year, Mangatarem received another milestone Award as one of the 5 Municipalities in Our Province “BEYOND COMPLIANT” awardee or our Local Government Unit -EXCEEDED THE STANDARDS for the establishment and functionality of Local Disaster Risk Reduction and Management Council/Offices (LDRRMC/O).

Yours Truly as MDRRMC Chairman, All Sangguniang Bayan Members headed by Vice Mayor Mon Punzal MDRRMC Members, MDRRMO Staff and Team headed by Engr. Edward C. Soquila. Gagawin po namin lahat to improve, develop and enhance the quality of our services to serve our beloved community before, during and after disaster.

Pananatilihin produktibo at mas pagagandahin ang serbisyo para sa ating mga kababayan sa ating bayan.

Also, Congratulation to other municipalities/cities who joined 22nd Gawad KALASAG Seal for Excellence in DRRM and Humanitarian Assitance for the Local DRRM Councils and Offices category. Especially to our Province of Pangasinan also recognized/ received the “BEYOND COMPLIANT” award headed by our Gov. Ramon Guico III.

Categories
Press Release

AyudaMark sa Pacalat Dam

Personal na binisita ng ating Congressman Mark Cojuango ang Pacalat Dam,
foot bridge, at gate canal para kanyang siyasatin kung paano mapapaunlad ang
irrigation lining nito.

Plano niyang gawin konkreto ang lining upang hindi masipsip ng lupa ang
tubig galing sa irigasyon, na lubos na makakatulong sa ating mga magsasaka.

Kung magtatagumpay ang pag-aayos nito, pitong barangay sa ating bayan ang
magbebenepisyo sa proyektong ito at posible pang madagdagan ito.

Gagawa din ng proyektong foot bridge sa Pacalat na magsisilbing tulay para sa
apat na barangay na taong 1980’s pa nilang pangarap at ngayon pa lamang magkakaroon
ng katuparan. Isasama po natin ito sa ating 2023 priority project.

Article & Photo Credits to Mark Cojuangco FB Page.

Categories
Press Release

Rehabilitasyon ng Manleluag Spring Sa Mangatarem, Tinalakay

Pagpapasigla ng turismo sa lalawigan ang tinalakay sa “Tongtongan: The Governor’s See Pangasinan” program kaugnay ng Tourism Month celebration.

Sa pangunguna ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III
napag-usapan ang kalagayan ng Manleluag Spring Protected Landscape na matatagpuan sa Mangatarem. Isa itong National Protected Area na layong i-rehabilitate ang pasilidad at dagdagan ng mga forest ranger para manumbalik ang sigla ng turismo na apektado ng pandemya.

Sikat ang hot spring na bahagi ng Mt. Malabobo dahil sa natural nitong ganda na kanlungan din ng mga endangered species ng ibon at iba pang hayop. Inaasahang makakatulong ito para sa dagdag na kita ng lalawigan at trabaho para sa mga Pangasinense.

Dinaluhan din ang aktibidad nila PENRO Officer Raymond Rivera, CENRO Dagupan Officer Frank Vincent Danglose, 2nd District Board Member Philip Cruz, Provincial Administrator Melicio Patague II, Special Assistant to the Governor Von Mark Mendoza, Mangatarem Mayor Ramil Ventanilla, Councilor Andrea Cruz, DENR, PNP, Manleluag Protected Area Management Board Members, at ilang Barangay Captains.

Article & Photo Credits to Province of Pangasinan FB Page.

Categories
Press Release

Pagpupulong Ni Congressman Mark Conjuango at Mayor Ramil Ventenilla

Nakipagpulong ang ating Congressman Mark Cojuangco sa ating Mayor Ramil “Balong” Ventenilla para pag-usapan ang mungkahing proyekto ng ating congressman para sa bayan
ng Mangatarem.

Nananabik makatrabaho ng ating Congressman ang ating Mayor at makitang magbunga ang mga proyektong nabanggit nito para sa ikauunlad ng Mangatatem sa kabuhayan,turismo,
trabaho at marami pang iba!

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat ng ang ating Congressman sa ating Mayor dahil sa kanyang mainit na pagtanggap dito at pagiging bukas ng kanyang isipan para sa mga mungkahi nito. Magkasama po na isusulong ng ating congressman ang paghihilom sa Mangatarem at sa buong Distrito Dos!

Article & Photo Credits to Mark Cojuangco FB Page.