Categories
Events

AyudaMark para sa Distrito Dos at Bayan ng Mangatarem

Ang ating butihin Congressman Mark Cojuangco ay bumisita sa ating bayan upang magbigay ng mga mungkahi at mga suhestiyon sa ating Mayor Balong Ventenilla upang magkapagpatayo ng isang multi-purpose building at world-class na mga comfort room sa ating bayan.

Kalakhan sa mga naging proyekto ng ating Congressman sa kanyang termino noon sa Kanyang Distrito Singko ay mga pampublikong imprastraktura na sadyang makakatulong sa mga mamamayan. Nais po dalhin ng ating Congressman ang kaparehong inobasyon at serbisyo ngayon dito sa ating Distrito Dos.

Kaya naman sya nagpapasalamat sa ating Mayor Ramil Ventenilla sa pagiging bukas ng kaniyang isipan para tumanggap ng suhestyon mula sa ating Congressman. Tinatanaw po ng ating Congressman Mark Cojuangco na tagumpay ng mga itatayo nitong imprastraktura at maari rin po nating maging katuwang si Congressman Cojuangco sa
iba pang proyekto sa hinaharap!

Article & Photo Credits to Mark Cojuangco FB Page.