ARAW NG MGA BAYANI!

Ngayong Araw ng mga Bayani,sabay-sabay nating gunitain ang kabayanihan ng ating kapwa Pilipino na buong tapang na ipinaglaban ang kalayaan na ating tinatamasa sa kasalukuyan.
Gayundin,ang pagkilala sa mga bagong bayani ng ating henerasyon:mga OFW na may malaking kontribusyon sa ating ekonomiya,mga sundalong patuloy na nagbabantay sa ating nasasakupan,mga kapulisan na nagpapanatili sa katahimikan at kaayusan sa bawat bayan;
Ang mga magsasaka na buong araw na nagsisikap upang matugunan ang mga pangangailangan sa seguridad ng suplay ng pagkain,ang mga health workers sa kanilang dedikasyon at sakripisyo sa pagpapalakas ng pampublikong kalusugan at ang mga manggagawa sa transportasyon na sinisiguro ang kaligtasan sa bawat paglalakbay;
Ang ating mga gurong patuloy na humuhubog sa ating kabataan,mga nasa gobyerno na naglilingkod ng tapat at buong puso at ang bawat Pilipinong hindi nawawalan ng pag-asa at patuloy na lumalaban para sa isang mapayapa at maunlad na Pilipinas.
Maging bayani sa ating sariling paraan,piliin natin ang ating bayan!

Related News and Events

Daang_Kalikasan
Scenic ‘Daang Kalikasan’ seen boosting Pangasinan economy
282089378_317097227254142_4061090770106182096_n
Cow Dispersal Program Helping out Mangatarem Farmers
IMG_20220512_112313-resized
Opening at Blessing ng BPI Direct Banko