Katuwang ang ating lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng ating MSWDO at iba pang mga opisina, ang programang ito na naglalayong tugunan ang hamon ng food insecurity at water scarcity, ay isang malaking hakbang sa pagtataguyod ng isang lipunang matatag.
Sa ating mga benepisyaryo ng programa, binabati po namin kayo sa inyong pagtatapos. Baon ang mga kaalaman na inyong natutunan, nawa’y magamit ninyo ang tulong na ito upang mas mapaunlad ang inyong mga kabuhayan.
Maraming salamat po sa lahat ng katuwang na patuloy na nagsusulong ng mga proyektong nagbibigay-livelihood at pag-asa para sa ating mga kababayan.