National Heroes Day Landscape
Maligayang Araw ng mga Bayani 
Ngayong araw ng mga bayani, ating gunitain ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay at buong puso at tapang na nag-sakripisyo upang makamit ang ating kasarinlan. Ang kanilang hindi matatawarang pagmamahal sa ating bayan ay tunay na inspirasyon sa ating lahat.
Sa makabagong panahon, nawa’y patuloy tayong mamulat sa diwa ng kabayanihan at isabuhay ang adhikain ng pagkakaisa. Isang pagsaludo sa ating mga makabagong bayani na nagsusumikap sa kanilang pamumuhay at nagbibigay ng hindi matatawarang serbisyo sa ating bayan. Patuloy tayong maglingkod ng buong puso at katapatan at sa ating simpleng paraan ay maging kabahagi ng pag-unlad ng ating bayan.
Mabuhay ang Bayaning Pilipino!
Music CCTO: Bayani (Theme Song) by Acapellago