Ang pormal na pagbubukas at pagpapasinaya ng isang napakaganda at makabagong Mangatarem Public Comfort Room. Isang proyektong tunay nating maipagmamalaki at patunay ng patuloy na pag-unlad ng ating bayan.
Lubos po ang ating pasasalamat sa ating butihing Congressman, Hon. Mark O. Cojuangco, sa kanyang walang sawang pagsuporta at pagtugon sa mga pangangailangan ng ating komunidad.
Dahil sa kanyang malasakit at inisyatiba, naisakatuparan ang proyektong ito — isang proyektong magdadala ng kaginhawaan at kaayusan sa ating mga mamamayan.
Taos-puso rin po nating pinasasalamatan ang ating Former Mayor, Hon. Ramil P. Ventenilla, na nagsikap sa pagtataguyod ng mga proyektong magbibigay daan upang ang Mangatarem ay patuloy na umangat at kilalanin bilang isang progresibong bayan na siyang patuloy nating itinataguyod.
Gayundin, ang ating pasasalamat sa Department# of Public Works and Highways (DPWH) – 2nd District Engineering Office, sa pangunguna ni Engr. Edita L. Manuel, para sa matagumpay na implementasyon ng proyektong ito.
Ang pasilidad na ito ay hindi lamang isang karaniwang palikuran, kundi isang komportableng lugar ng pahingahan, pagsasaliksik, at pagtitipon, na magbibigay ginhawa at karagdagang atraksyon sa ating mga kababayan at sa mga bumibisita sa ating plaza.
Ito ay isang proyektong tunay nating maipagmamalaki. Kaya naman, hinihikayat ko ang lahat ng ating mga kababayan na pangalagaan at gamitin ng maayos ang pasilidad na ito. Ito ay ipinagkaloob sa atin upang lalo pang pagandahin at paunlarin ang ating bayan.