Matagumpay na ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem ang ๐๐ธ๐ฎ-๐ฏ๐ฏ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ปโ๐ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต na may temang โ๐๐๐๐๐โ๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฏ: ๐๐ข๐ญ๐ช๐จ๐ต๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐๐ข๐ณ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ข ๐๐ฑ๐ข๐จ๐ญ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏโ noong Nobyembre 28, 2025, sa Danding Cojuangco Mangatarem Umisem Complex. Ang selebrasyon ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) katuwang ang ibaโt ibang tanggapan, Day Care Children, Child Development Workers, at Child Representatives.
Layunin ng pagdiriwang na pagtibayin ang kamalayan at adbokasiya para sa karapatan at kaligtasan ng bawat bata, partikular sa mga isyung may kinalaman sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM).
Sa nasabing okasyon ay atin ring inilahad ang ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ปโ๐ ๐๐ฑ๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐๐ (๐๐ฆ๐๐) ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ, na naglalaman ng ulat hinggil sa kasalukuyang kalagayan at mga programang sumusuporta sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan sa bayan.
Ibaโt ibang talent at skills-based contests rin ang isinagawa upang maipamalas ng mga mag-aaral mula sa ibaโt ibang Day Care Centers ang kanilang kakayahan at natatanging talento, sa tulong at gabay ng kanilang mga guro at magulang.
Muli, congratulations sa lahat ng bumubuo ng programang ito at maraming salamat sa inyong pakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtataguyod ng karapatan at kaligtasan ng bawat bata upang sila ay mamuhay nang may dignidad, pag-asa, at magandang kinabukasan.
591462452_32921465900802749_7168872134204051805_n
593093828_32921466150802724_7490715852667812919_n