July 23-24, 2026
Mas maayos at mas organisadong records management tungo sa mas episyente at epektibong serbisyo publiko. Ito ang naging pangunahing layunin ng isinagawang ๐ฎ-๐๐ฎ๐ ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ Disposal para sa mga kawani mula sa ibaโt ibang tanggapan ng ๐๐๐จ ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐บ, sa pakikipagtulungan ng ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฟ๐ฐ๐ต๐ถ๐๐ฒ๐ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ (๐ฃ๐๐ฅ๐).
Nagsilbing mga resource speaker sina Ms. Cheryll A. Escaรฑo, PGADH, Ms. Jennifer D. Cruz, at Mr. Isaac F. Bernardo, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at teknikal na gabay hinggil sa wastong pamamahala, pangangalaga, at legal na disposisyon ng mga rekord ng pamahalaan. Samantala, nagsilbi namang training support staff at facilitators sina Ms. Lovely Ann C. Zarate at Mr. Zhor D. Pinlac ng PARC at katuwang si Ms. Ana Banessa Tadeo, Records Officer mula sa ating HRMO para sa maayos na pagsasagawa ng buong aktibidad.
Sa pamamagitan ng naturang seminar ay
nabigyan ng sapat na kaalaman ang mga record custodians ng bawat opisina sa tamang pagsasaayos, pamamahala at pangangalaga ng mga dokumento at tamang proseso ng record disposal na naaayon sa batas, itinakdang patakaran at pamamaraan.
Lubos ang pasasalamat ng LGU Mangatarem sa Provincial Records and Archives Center (PARC) at sa Province of Pangasinan sa paglalaan ng kanilang panahon, kaalaman, at teknikal na suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng makabuluhang pagsasanay na ito tungo sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga kawani at sa patuloy na paghahatid ng mas episyente, maayos, at de-kalidad na serbisyo publiko sa ating bayan.