Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Marso ang National Women’s Month na may temang “Lead like the Babaylans, Filipinas!”
Kaisa ng selebrasyong ito ang bayan ng Mangatarem sa pagpapalakas, pagpapabuti, at pagtataguyod ng karapatan ng ating mga kababaihan.
Ang Pagdiriwang ng National Womenβs Month ay hindi lamang pagkilala sa kasaysayan at tagumpay ng mga kababaihan sa ating bansa, kundi isang mahalagang paalala na tuloy-tuloy ang ating laban para sa tunay na pagkakapantay-pantay.
Lubos ang ating pagkilala sa kontribusyon ng ating kababaihan sa ating lipunan at patuloy na itataguyod ang isang lipunang mas makatarungan, inklusibo, at puno ng pagkakataon para sa lahat.
Muli, Happy National Women’s Month at sama-sama nating isabuhay ang makabagong Babaylanβlikas na malakas, magaling, at may boses sa lipunan! Laging tandaan na “Babae ka, hindi babae lang”.
Mabuhay ang mga kababaihang Pilipino! 