Isang karangalan sa ating Bayang Mangatarem ang pagkamit ng ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ป๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ป (๐๐๐ฃ๐) ๐๐๐ป๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐ ๐๐๐๐ฒ๐๐๐บ๐ฒ๐ป๐ na iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang pagkilalang ito ay patunay ng sama-samang dedikasyon at pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem at ng lahat ng katuwang nito sa pagtataguyod ng mga programa at serbisyong naglalayong pangalagaan ang kapakanan, karapatan, at kinabukasan ng bawat kabataan.
Buong-puso ang ating pasasalamat sa lahat ng miyembro ng Local Council for the Protection of Children, sa ating mga partner agencies, at sa bawat indibidwal na naging bahagi ng tagumpay na ito. Ang inyong malasakit at patuloy na pagtutulungan ang naging susi sa pagkamit ng mahalagang pagkilalang ito.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtataguyod ng isang mas ligtas at mas mapagkalingang komunidad kung saan ang bawat bata ay malaya, walang pangamba at puno ng pag-asa sa pag-abot ng mas maliwanag na kinabukasan.
